Same sex marriage, hindi sinusulong ng SOGIE Bill

Hindi sinusulong ng Sexual Orientation, Gender Identity or Expression Equality o SOGIE Bill ang same sex marriage.

Ito ang nilinaw ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman na siya ring chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality na siyang dumidinig sa panukala.

Diin ni Roman, ang pangunahing layunin ng SOGIE Bill ay mabigyan ng proteksyon at pantay na mga karapatan ang LGBTQ community o lahat ng sexual orientation at gender identity and expression.


Kasabay nito ay tiniyak din ni Roman sa mga tumututol sa panukala, pangunahin ang mga religious groups, na ang kanilang mga concern at suhestyon ay masusing babalangkasin at ikokonsidera ng binuong technical working group.

Facebook Comments