Same sex union, hindi maituturing na kasal – Prelate

Iginiit ni Balanga Bishop Ruperto Santos na hindi maituturing na kasal ang same sex union.

Sa isang panayam, binigyang diin ng Obispo na ang kasal ay sa pagitan lamang ng lalaki at babae.

Ang same sex unions aniya ay hindi sakramento at hindi sagrado.


Ang kasal ay isa sa pitong sakramento habang ang same sex unions ay taliwas sa itinuturo ng simbahan.

Sang-ayon din si Bishop Santos sa pahayag ng Vatican na hindi maaaring basbasan ng mga pari ang same sex unions.

Sa pahayag ng Congregation for the Doctrine of Faith ng Vatican nitong Lunes, ang pagbibigay lamang ng blessing ay para sa mga relasyong nasa ilalim ng sakramento.

Ang homosexual unions ay isa lamang ‘imitation’ o ‘analogue’ sa nuptial blessing na ibinibigay sa lalaki at babae na nakapaloob sa sacrament of Matrimony.

Nilinaw ng Vatican na hindi ito diskriminasyon pero paalala sa tunay na kahulugan ng mga sakramento.

Facebook Comments