Samot saring armas nakumpiska sa Oplan Galugad operation sa Sultan Kudarat Province

Samot saring mga armas ang nakumpiska sa inilunsad na Oplan Galugad ng Joint Police at military personnel sa bayan ng Columbio Sultan Kudarat Province kahapon ng umaga. Ayon kay Chief Inspector Aldrin Gonzales , chief ng PRO 12 Information Office inilunsad ng mga elemento ng Sultan Kudarat Police Provincial Office kasama ang Columbio Pnp at 39th IB ang operasyon sa barangay Sinapulan at Sucob kung saan ay nakumpiska ang 5 homemade shotgun , isang cal. 38 revolver at mga bala .Ang ibang armas naman ay boluntatyong isinuko ng mga residente. Ang nasabing operasyon ay suportado naman ni Columbio Mayor Amirh Musali.
Matagal ng inirereklamo ng mga residente ang presensiya ng NPA na kabilang sa Guerilla Front 72 Far South Mindanao Region. Ang bayan ng Columbio ay isa sa mga bayan sa Region 12 na aktibo ang NPA.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments