SAMOT SARING SALOOBIN KAUGNAY SA PAGKAKAPASA NG 1.3B ANNUAL BUDGET NG DAGUPAN CITY, IPINAHAYAG NG MGA DAGUPENOS

Ipinahayag ng ilang mga Dagupeno ang kanilang naging opinyon matapos mabalitaan ang pagkaka apruba ng Annual Budget na 1.3B noong araw ng Martes sa naganap na Regular Session.
Ang ilan natuwa dahil ayon sa kanila ay matagal na rin umano na naging usap-usapan ang budget ng Dagupan at marami raw umanong programa ang nakabinbin pa kung hindi pa ito naaprubahan.
Ang iba naman ay natuwa sa pagkakapasa ng budget ngunit dismayado sa naging proseso ng pagkaka apruba nito dahil napag-alaman umano na parang hindi naging patas sa pagdinig ng bawat miyembro sa Sangguniang Panlungsod.

Samantala, inaasahan naman ng mga Dagupeno na maayos sana umano ang paglalaanan ng mga pondo sa bawat serbisyong maibibigay sa mga residente nang walang masayang pera ng taumbayan at binigyang diin pa ng mga ito ang โ€œtransparencyโ€ sa iginagastang pera upang maging malinis at maayos umano ang magiging pamamalakad nito. |ifmnews
Facebook Comments