Manila, Philippines – Walang tiwala ang Palasyo ng Malacañang kay United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang pagiging epektibo ng isang special rapporteur ay nakabase din sa tiwala na ibibigay dito ng isang bansa kung saan magsasagawa ng imbestigasyon.
Sinabi ni Roque na sa kalibre ni Callamard ay bagsak ang grado nito dahil hindi siya pinagkakatiwalaan ng pamahalaan.
Isa aniya itong dagok sa propesyon ni Callamard at isa ding matinding sampal sa kanyang pagkatao.
Pero sinabi din naman ni Roque na hindi nila itinuturing na persona non-grata si Callamard.
Facebook Comments