Simula alas-otso kagabi ay nasa ilalim na ng 48-oras na hard lockdown ang Sampaloc, Maynila haggang alas-otso ng gabi bukas, Sabado.
Ang lahat ay hindi maaring lumabas ng kanilang bahay maliban na lang sa mga healthcare workers, police and military personnel, mga empleyado ng gobyerno, at service workes katulad ng mga nagtratrabaho sa mga pharmacies, drug stores at punerarya.
Exempted din sa lockdown ang mga opisyal ng barangay, at media pratitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang mga lalabag sa lockdown ay pansamantala ilalagay sa apat na covered courts sa distrito habang nakapwesto naman ang command center ng Manila Police District (MPD) sa ramon magsasay high school.
Habang may hard lockdown ay magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mass testing sa mga barangay na mataas ang positibong kaso ng COVID-19 at may mga suspected o probable cases.
Magsisilbing rapid anti-body testing center ang Geronimo elementary school na malapit sa ospital ng Sampaloc.
Ang mag-po-positibo sa virus ay iti-turn over kay Manila Health Department Director Dr. Arnold pangan para isailalim sa swab test kung saan kapag nag-positibo pa rin sila ay ika-quarantine na at gagamutin.