Sampaloc Police, namahagi ng relief goods sa pamilya ng mga bilanggo

Namahagi ang kapulisan ng Sampaloc Police Station ng relief packs para sa mga pamilya ng mga kasalukuyang nakakulong sa kanilang istasyon.

Ayon kay Capt. Philipp Ines, humigit-kumulang 60 na pamilya na ang kanilang nabigyan ng tig-dalawang kilong bigas at ilang mga delata.

Sabi ni Ines, ito ay kaunting tulong sa mga pamilya ng mga nakakulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Paliwanag ni Ines, naisipan nila ang pamimigay ng relief packs matapos mapansin na ang mga pamilyang dumadalaw ay nagdadala ng mga pagkain para sa kanilang minamahal sa buhay sa kulungan ngunit wala silang dala pauwi.

Tiniyak ni Capt. Ines na tuloy-tuloy lang ang buong Sampaloc Police Station sa pagbibigay ng tulong habang sinisigurado ang katahimikan at kapayapaan sa lungsod.

Facebook Comments