SAMPONG TAONG GULANG NA BATA, PATAY MATAPOS MALUNOD SA BAYAN NG AGNO

Patay ang isang sampong taong gulang na bata matapos itong malunod sa bayan ng Agno.
Ang biktima ay nakilalang si Alexander Jhon Camaso residente ng bayan ng Anda.
Ayon sa imbestigasyon, nasa isang cottage sa isang beach sa bayan ng Agno ang biktima kasama ang ilang mga kaanak pasado alas dose ng tanghali nang magka yayaan ang mga ito kasama ang dalawang kaibigan na maligo.

Sa kasamaang palad ay nalunod ang tatlo subalit agad na naisalba ang mga kasamahan nito habang inabot pa ng mahigit isang oras ang biktima bago nakuha ang katawan nito.
Isinugod naman ito sa office ng RHU ng bayan subalit idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments