Nananatiling epektibo ang Sinovac vaccine sa kahit ano pamang variant ng COVID-19.
Sa Laging Handa public press brieifing, sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director Gen. Usec. Eric Domingo na base sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng Turkey nasa 83%-86% ang proteksyon ng Sinovac mula sa severe at death kapag tinamaan ng COVID-19.
Habang sa recent study sa Chile, lumalabas na nasa 86% pa rin ang prokteksyon ng isang indibidwal na naturukan ng Sinovac.
Ani Domingo, base narin sa pag aaral ng World Health Organization (WHO) nababawasan ng sampu hanggang dalawampung porsyento ang effectiveness ng ilang bakuna laban sa mga bagong variants ng COVID-19 pero nananatili itong epektibo at nagbibigay ng proteksyon mula sa virus.
Ang pahayag ni Domingo ay kasunod na rin ng pagkakaroon ng breakthrough infection sa Indonesia maging sa Thailand ng medical healthworkers na pawang fully vaccinated ng Sinovac vaccine.