Umaabot sa sampu katao ang inaresto ng mga otoridad matapos silang maaktuhang sangkot sa illegal sa sabong sa bayan ng Natividad.
Ang mga suspek ay huli sa akto na sangkot sa sabong pasado alas tres ng hapon sa Brgy. Salud sa nasabing bayan kung saan ay nadatnan pa ng mga otoridad ang mga ito.
Narekober mula sa lugar ang isang ring bowl kung saan pinaglalaban ang mga manok, anim na manok panabong, at taya na nasa mahigit dalawang libong piso.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments