Inanunsyo na ng Metrobank Foundation ang sampung pinarangalan nila ng 2021 career service award para sa nangungunang manggagawang Pilipino sa larangan ng edukasyon, military at police.
Ngayong taon, apat na guro, tatlong sundalo at tatlong pulis ang kinilala dahil sa pagbibigay ng tunay na serbisyo sa kanilang tungkulin at marangal na pagtatrabaho.
Ang mga gurong tumanggap ng 2021 Metrobank Foundation Outstanding Filipino Award for Teachers ay sina Lou Sabrina Ongkiko, Master Teacher 1 ng Culiat Elementary School sa Quezon City; Jason Albaro, Teacher II ng Muntilupa National High School Main; Maria Minerva P. Calimag, M.D., M.Sc., Ph. D., Professor 5, College of Medicine, University of Santo Tomas ng Lungsod ng Manila; at Iris Thiele Isip-Tan, M.D., M.Sc. , Professor 10, College of Medicine, University of the Philippines Manila.
Kinilala sila dahil sa mahusay na paggamit ng E-learning method sa gitna ng pandemya.
Ang mga tumanggap naman ng Metrobank Foundation Outstanding Filipino Award for Soldiers ay sina Technical Sergeant Jake P. Belino, PAF, Non-commissioned officer in charge, Civil Military Operations Tactical Operations Group 1, Tactical Operations Wing Northern Luzon, Lieutenant Colonel Elmer M. Boongaling, PA, Executive Officer, Office of the Assistant Chief of Staff for Plans, G5, Philippine Army, Fort Bonifacio, Taguig City; at Colonel Augusto N. Padua, PAF, Executive Officer, Office of the Assistant Chief of Air Staff for Operations, A-3, Philippine Air Force, Villamor Airbase.
Ang mga pulis naman na tumanggap ng Outstanding Filipino Police Officers ay sina Police Senior Master Sergeant Mary Joy B. Ylanan, Police Community Relations PNCO, Bogo City Police Station; Police Lieutenant Colonel Gerard Ace J. Pelare, Chief of Police, Talisay City Police Station sa Cebu; at Police Lieutenant Colonel Jonathan P. Pablito, Assistant Chief, Regional Police Strategy Management Unit, Police Regional Office 6 Camp General Martin Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City.
Kinilala ang mga naturang sundalo at pulis dahil sa namumukod tanging nagampanan sa paglaban sa insurhensiya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Ang bawat isa sa mga awardee ay nakatanggap ng cash prize na P1 million, gold medallion at ‘ The flame” trophy.