SAMPUNG ARAW NA PALUGIT PARA SA MGA OFW NA HINDI NAKAKUHA NG AYUDA SA ILALIM NG BAYANIHAN 1 AT 2, ITINAKDA NG OWWA REGION 1

Ipinanawagan ngayon ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 sa mga OFWs dito na hindi nakukuha ang kanilang ayuda sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na sila ay makipag ugnayan sa tanggapan.

Sinabi ni Geraldine Salazar Lucero, Labor Communication Officer ng OWWA Region 1 sa may sampung araw na ibibigay na palugit sa mga OFW upang kanilang kunin ang sampung libo (10,000) na ayuda mula sa DOLE-ACAP na Cash Assistance, at kung sakali umano na hindi nila ito makuha ay ipamamahagi naman na ito sa mga OFWs na naghihintay ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan 3.

Dagdag nito na isa sa nakikita nilang dahilan ay may mga bumalik sa ibang bansa at may ilan umano na hindi ma-contact ang mga numerong ibinigay nila.


Giit naman nito na sinisikap ng OWWA na makipag ugnayan sa kanila upang makuha ang ayuda. Samantala, umabot naman sa anim na libong mga OFW mula sa Region 1 ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim naman ng Bayanihan 2.

Facebook Comments