Pansamantala munang makararanas ng low to no water supply o mahinang pressure hanggang walang suplay ng tubig ang ilang konsyumer ng Prime Water Asingan.
Ayon sa Prime Water Asingan, pansamantala lamang ang mahinang pressure at pagwala ng suplay ng tubig dahil kasalukuyang kinukumpuni ang Pumping Station 2 na nasa barangay Dupac.
Ang pagsasaayos na ito ay para lalo pang mapaganda ang kanilang serbisyo ng patubig sa bayan.
Samantala, mararananasan ito hanggang ngayong araw October 18 kung saan apektado ang sampung Barangay sa bayan gaya ng Dupac, San Vicente East, San Vicente West, Poblacion East, Poblacion West, Domanpot, Cabalitian, Macalong, Baro at Sanchez. |ifmnews
Facebook Comments