Sampung barangay sa Piagapo, Lanao Del Sur – isinailalim na sa state of calamity kasabay ng bakbakan ng militar at Maute group

Manila, Philippines – Umabot na sa 2,400 residente ang nagsilikas dahil sa patuloy na bakbakan ng militar at ng Maute Group sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Piagapo Mayor Ali Sumandar – sampung barangay na sa kanilang bayan ang isinalilalim na sa state of calamity.

Aniya, isang Imam na napatay nitong Sabado ang nagdala ng Maute Group sa kanilang bayan.


Sinabi naman ni Philippine Army 103rd Brigade, Brig. General Nixon Fortes – narekober nila sa kuta ng Maute Group sa bundok ang iba’t-ibang gamit nila gaya ng pampasabog.

Sa 160 miyembro ng Maute, nasa 36 ang napatay kasama na ang ilang foregin jihadist.

Patuloy ang pagtugis sa nasabing bandidong grupo.

Facebook Comments