Sampung batch ng Pinoy repatriates na magpa-Pasko sa bansa, dadating ngayong araw

2,600 na Filipino repatriates ang sunod-sunod na dadating ngayong araw sa bansa sakay ng sampung flights.

Una nang dumating sa bansa kaninanng tanghali ang 250 repatriates mula Bahrain via Gulf Air flight GF154.

Bago mag alas-2:00 ngayong hapon ay dumating din ang 300 repatriates mula Saudi via Saudia Airlines flight SV862 at 200 repatriates mula Hong Kong via Philippine Airlines flight PR301


Alas dos din dumating ang 300 repatriates mula United Arab Emirates (UAE) via Etihad Airlines flight EY424.

Habang alas-4:00 ngayong hapon ang arrival ng 300 repatriates mula UAE via Emirates Airlines flight EK332.

Bago mag alas singko mamayang hapon dadating din ang 300 repatriates from UAE via Cebu Pacific flight 5J19 at ang 200 repatriates mula Singapore via Philippine Airlines flight PR508 ay dadating din mamayang bago mag alas-6:00 ng gabi

Ang 250 Overseas Filipino Workers (OFWs) naman mula Turkey via Turkish Airlines flight TK84 ay dadating ng alas-6:30 ng gabi.

Susundan naman ito ng 200 repatriates mula China via Philippine Airlines flight PR2639 mamayang pasado alas-9:00 ng gabi

Ang ika-sampung flight naman na may sakay na 300 repatriates mula Qatar via Qatar Airways flight QR928 ay dadating ng bago mag alas-10:00 mamayang gabi.

Facebook Comments