Sampung close contacts ng unang kaso ng monkeypox virus sa bansa, nananatiling naka-quarantine

Nananatiling sumasailalim sa quarantine ang sampung close contacts ng unang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ang mga naturang close contacts ay asymptomatic.

Sa ngayon aniya wala pang naitatalang bagong kaso ng sakit sa bansa.


Una nang kinumpirma ng DOH na ang unang tinamaan ng monkeypox ay gumaling na at natapos na kaniyang isolation.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga pribadong sektor sa pagbili ng mga bakuna kontra sa sakit at posibleng dumating ang unang batch nito sa susunod na taon.

Ang monkeypox virus ay kalat na sa Central at Western Africa at nakaabot na rin sa iba pang mga bansa.

Facebook Comments