Manila,Philippines – Kumpleto na ang lahat ng Heads of State na lalahok sa ASEAN leader’s meeting ngayong araw.
Inaasahang dadalo mamaya sina Cambodian Prime Minister Hun Sen, Vietnam Prime MinisterXuan Phuc, Myanmar State Councilor Aung San Suu Kyi, Thailand Prime Minister Prayuth Chan-O-Cha, Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith at si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.
Kumpiyansa si Foreign Affairs Acting Secretary Enrique Manalo na mataas ang tyansa para magkasundo kung paano babalangkasin ang Code of Conduct para sa mga umaangkin sa South China Sea.
Inaasahang maaprubahan din ngayong araw ng mga lider ng Pilipinas, Brunei, Malaysia at Indonesiaang plano sa mas paglago ng kalakalan at imprastraktura sa rehiyon.
Maglalaan ng 21 billion dollars para sa iba’t-ibang proyekto.