SAMPUNG INDIBIDWAL, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON DAHIL SA PAGSUSUGAL

Arestado ang kabuuang sampung indibidwal sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa mga lalawigan ng Pangasinan at Ilocos Sur.

Sa Mangaldan, Pangasinan, apat na katao ang nahuli sa aktong nagsusugal ng larong “Pusoy” matapos makatanggap ng sumbong ang pulisya. Nasamsam mula sa mga suspek ang baraha at perang pantaya.

Samantala, anim na indibidwal din ang naaresto sa Vigan, Ilocos Sur sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng Vigan CPS. Sangkot sila sa larong “Dado,” kung saan nakumpiska ang 241 piraso ng poker chips, dado paraphernalia, iba pang ebidensya, at bet money na nagkakahalaga ng P9,290.

Ang lahat ng naaresto ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602, na may kaukulang pagbabago sa ilalim ng Republic Act 9287. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments