MANILA – Nasa sampung libong sundalo na ang nasa Sulu kaugnay sa pinaigting na operasyon laban sa bandidong Grupong Abu Sayyaf.Pinakamarami ito sa nakaraang dalawampung taong pagtugis ng militar laban sa bandidong grupo.Sa pagbisita sa Sulu ni AFP Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya, sinabi nito sa kanyang mga tropa na huwag nang lubayan ang teroristang grupo.Sa kabila ng pagdadagdag ng mga tauhan sa Sulu, aminado si 101st Brigade Commanding Officer Col. Jess Mananquil na hirap silang tugisin ang mga bandido.Bukod sa isang Norwegian at isang Dutch, hawak rin ng grupo ang siyam na Indonesian, limang Malaysian at pitong pinoy.
Facebook Comments