MANILA – Nangako ang money transfer firm na Philrem Service Corporation na ibabalik nito sa Bangladesh Bank ang aabot sa P10 Milyong kita mula sa mga transaksyong posibleng may kinalaman sa pagpasok ng $81 Million na dirty money.Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Philrem President Salud Bautista na patunay ito ng pakikiisa ng mga kumpanyang Pilipino sa paghahanap ng hustisya sa money laundering scam.Sa Oras na maibigay sa kanila ng Bangladesh Bank ang pangalan ng paglalagakan ng pera, ipapadala na aniya nila ang nasabing cheke.Samantala … sinabi naman ni Sen. TG Guingona- Chairman ng komite na hindi sapat na hakbang ang pagbabalik ng pera sa Bangladesh Bank upang iabswelto ang philrem service corporation sa pagkakadawit nito sa money laundering.Aniya – marami pang kailangang ipaliwanag ang Philrem sa kaugnayan nito sa mga transaksyon kasama si RCBC Branch Manager Maia Deguito.Pagtitiyak pa ng Senador, hindi sila lulusot sa kaso kahit pa humingi na sila ng paumanhin sa Bangladesh.
Sampung Milyong Piso Na Kita Ng Philrem Service Corporation – Pinangakong Ibabalik Sa Bangladesh Bank
Facebook Comments