Sampung miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Mindanao

88

Sumuko sa militar ang sampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sultan Sa Barongis, Maguindanao kamakalawa.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr.


Kinilala ang mga sumukong BIFF na sina Narix Saligan, Ting Dadin, Kamarudin Maguid, Mosanip Maguid, Nana Makalimpas, Walid Milikano, Allan Bagel, Macky Sandigan, Basti Usman at Datukan Palaguya na sumuko sa tropa ng 33rd Infantry Battalion.

Sabay ring isinuko ng mga BIFF ang tatlong rifles kabilang ang isang M14, M16A1 at isang M79; dalawang rocket-propelled grenades; isang Barret; isang Tomb Gram; isang 12 Gauge Shotgun; isang Caliber 45; isang Caliber 38; isang Rifle Grenade; isang Hand Grenade; at isang Improvised Explosive Device.

Sa ngayon, nanatili sila sa kustodiya ng 33rd Infantry Battalion.

Facebook Comments