Aarangkada na bukas ang sampung (10) panibagong ruta ng modern Public Utility Vehicles (PUVs) para mapabilis ang biyahe at maibsan ang kakulangan ng mga sasakyan sa hanay ng mga commuters.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, una nang binuksan ang 15 ruta ng modern PUVs nitong Lunes, June 22, habang binuksan naman kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang siyam (9) na iba pa.
Sakaling kulangin ang mga sasakyan, papayagan na aniyang bumiyahe ang mga traditional jeepney basta’t ‘road-worthy’ ang mga ito.
Kaugnay nito, itinanggi naman ni Roque na hindi itinapat sa panahon ng pandemya ang modernization at phase-out ng mga traditional jeepney.
Aniya, 2016 pa ito plano ng pamahalaan at binigyan lamang ito ng palugit ng hanggang apat na taon.