SAMPUNG PDL SA LUNGSOD NG DAGUPAN CITY, NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MAKAPAG-ARAL MULI

Mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral muli ang sampung Person Deprived of Liberty o PDL sa Dagupan City pagkatapos ang naganap na signing of memorandum of partnership sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan katuwang din ang PHINMA-University Pangasinan.
Bahagi ito ng programang “Kolehiyo sa Piitan, Tungo sa Tunay na Pagbabago Hawak-Kamay Assistance” na naglalayong mapagtapos ang kahit bilanggo pa para sa ikauunlad ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsisimulang muli sa pag-aaral.
Kasabay din nito ang pagkabilang ng kanilang mga anak sa Scholarship program sa nasabing lungsod na nakatakdang makatanggap din ng scholarship grants sa ilalim ng city government at ang layunin ng ahensyang BJMP na “Changing Lives, Building a Safer Nation.”

Namahagi rin ng mga katuwang na ahensya ng mga pagkain, regalo, laruan para sa mga bata at ilang pang handog para sa mga benepisyaryo ng nasabing programa. |ifmnews
Facebook Comments