Sampung prayoridad na panukala ng Marcos administration, suportado ng LEDAC na maipasa sa kongreso sa June 2 – Malakanyang

Suportado ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC ang sampung prayoridad na panukala ng Marcos administration para maipasa sa Kongreso sa June 2.

Ito ay natalakay sa isinagawang unang Executive Committee Meeting ng LEDAC sa Malakanyang kanina.

Ang LEDAC ang nagsisilbing consultative at advisory body ng presidente na sIya ring chair ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, patungkol sa ilang programa at polisiya na mahalaga para sa national development agenda.


Kabilang sa mga priority measure na nakatakdang maipasa sa pagtatapos ng unang regular session ay ang amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law/Public-Private Partnership (PPP) bill, Medical Reserve Corps, Philippine Center for Disease Prevention and Control, creation of the Virology Institute of the Philippines, Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP).

Kasama rin ang Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), Internet Transactions Act/E-Commerce Law, Maharlika bill, Attrition law,/AFP Fixed Term at ang Salt Industry Development Bill.

Una nang inisa-isa ng pangulo ang mga priority bill na ito noong isinagawa niya ang kaniyang 2022 State of the Nation Address o SONA.

Facebook Comments