#SamuelPH | Mahigit 60,000 indibiduwal, apektado ng pananalasa ng bagyong Samuel

Umabot sa 17,000 pamilya o katumbas ng mahigit 62,286 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Samuel.

Mula ito sa 137 mga barangay sa Bicol Region, Central Visayas at Eastern Visayas.

Base rin sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), dalawang insidente ng landslide ang naitala sa mga bayan ng Lope de Vega at Catubig sa Northern Samar na isa sa pinakanaapektuhan ng bagyo.


Labindalawang lugar naman sa Mimaropa at Eastern Visayas ang binaha.

Samantala, nabawasan na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Sa huling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 432 pasahero na lang ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region, Southern Tagalog at Palawan.

Habang 19 na barko na lang ang stranded na kung magtuloy-tuloy ang pagganda ng panahon ay payagan na ring makabiyahe.

Facebook Comments