SAMU’T-SARING ARMAS PANDIGMA, NAREKOBER SA CAGAYAN

Cauayan City – Narekober ang samu’t-saring armas pandigma na inihukay sa masukal na bahagi ng Brgy. Piña Este, Gattaran, Cagayan sa ikinasang Combat Operation ng mga awtoridad.

Sa pakikipagtulungan ng dating rebelde na si alyas “Jurnie”, isiniwalat nito sa mga awtoridad ang lokasyon ng dati nilang kuta kung saan nakatago ang mga nabanggit na armas.

Ang retrieval operation ay pinangunahan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, 2nd Mobile Force Platoon, at Cagayan Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (CAGAYAN PECU).


Ligtas na narekober ang mga armas na kinabibilangan ng isang MK2 hand fragmentation Grenade, pitong M76B H.E. Rifle Grenades, dalawang M76 Rifle Grenades, walong CTG ball cartridges, at limang Cap Blasting Commercial, improvised explosive charge, batteries, wires, at mga subersibong dokumento.

Maliban dito, nakumpiska rin ang isang improvised M14 rifle, caliber 38 revolver, shotgun, m16 baby armalite, magazine para sa iba’t-ibang kalibre ng bala, at mga bahagi ng armas.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cagayan PECU para sa pagsusuri at tamang disposisyon.

Facebook Comments