San Andres quarantine facility sa Maynila, pamumunuan ng isang COVID-19 survivor

Inanunsyo ng Manila City Government na isang COVID-19 survivor ang mamumuno sa San Andres quarantine facility sa Maynila.

Ito ay sa katauhan ni Facility Director Pauline Lecaros.

Ang San Andres quarantine facility ay mayroong 60-bed capacity.


Bukod pa ito sa kabubukas lamang na quarantine facility sa P. Gomez High School na mayroon namang 41 bed capacity.

Samantala, muli namang nagpa-alala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente na huwag kakalimutan na nananatili pa rin ang pinaiiral na quarantine at maging maingat para makaiwas sa virus.

Facebook Comments