San Antonio Spurs, nanguna sa laban kontra Memphies Grizzlies

NBA – Umarangkada ang San Antonio Spurs kontra Memphis Grizzlies sa iskor na 116-103 sa game 5 ng kanilang unang round sa NBA-Western Conference Finals.

Sa 3-2 na lead sa serye, pinangunahan ng pinagsanib na puwersa nina Kawhi Leonard at Patty Mills na umiskor ng kabuuang 48 points para talunin ang Memphis.

Sa ngayon ay inaabangan na kung sino sa dalawang koponan ang haharap sa Houston Rockets na siya namang namayagpag matapos sibakin sa seryeng 4-1 ang Oklahoma City Thunder.
DZXL558


Facebook Comments