San Antonio Spurs, pasok na sa Western Conference Finals matapos talunin ang Houston Rockets

Manila, Philippines – Pasok na sa finals ng WesternConference ang San Antonio Spurs matapos na talunin ang Houston Rockets sagame-6.
  Tinambakan ng Spurs ang Rockets sa score na 114-75kung saan nanguna sa koponan si Lamarcus Aldridge na may 34-points at12-rebounds.
  Sa postgame press conference, sinabi ni Aldridge nanagsagawa sila ng adjustment dahil sa pagkawala ng mga leading scorers nito nasina Kawhi Leonard at Tony Parker matapos magtamo ng injury.
  Dahil sa panalo, makakalaban ng Spurs ang GoldenState Warriors sa Lunes (May15) at ito ang kauna-unahan nilang paghaharapWestern Conference Finals.
  Bukas naman mapapanood ang game-6 sa pagitan ngBoston Celtics at Washington Wizard sa Eastern Conference Semifinals at abantesa serye ang Celtics sa 3-2.
 

Facebook Comments