San Beda College, nasungkit ang twice to beat advantage sa Final Four ng men’s basketball sa Season 93 ng NCAA

Sports – Muling nanaig ang defending champion San Beda College kontra Arellano University , 83-72 para makuha ng Red Lions ang twice to beat incentive sa semifinals ng Season 93 ng N-C-A-A.

Sumandal ang mga taga Mendiola sa breakout game ni Jeramer Cabanag na umiskor 14 points. Dahil sa panalo nanatiling nasa likod ng wala pang talong Lyceum Pirates ang San Beda sa kanilang 13-1 win loss slate.

Samantala winakasan ng Mapua Cardinals ang kanilang 12-game losing streak ng pataubin nila ang College of St. Benilde, 79-69.


Facebook Comments