Mas pinagtibay ng pamahalaang lungsod ang mga paghahanda para sa nalalapit na City Fiesta na gaganapin sa Enero 14, 2026 sa pamamagitan ng isang mahalagang pagpupulong na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng pagpupulong na plantsahin ang kabuuang plano ng pagdiriwang, kabilang ang mga programang ilulunsad at mga aktibidad na nakatakdang isagawa. Tinalakay dito ang mga gawaing magbibigay-aliw sa mamamayan, magtatampok sa lokal na kultura, at magsisilbing simbolo ng pagkakaisa at kaunlaran ng lungsod.
Binigyang-diin ng pamahalaang Panglungsod na sisikapin na gawing mas masigla, makabuluhan, at maayos ang pagdiriwang ngayong taon. Mahalaga ang City Fiesta bilang pagkakataon upang ipakita ang identidad ng lungsod at palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at ng mamamayan.
Bukod dito, tinalakay rin ang mahigpit na koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang matiyak ang kaayusan, seguridad, at maayos na daloy ng mga aktibidad sa kabuuan ng selebrasyon. Binibigyang-prayoridad ang kaligtasan at kaginhawaan ng publiko upang maging positibo ang karanasan ng lahat ng dadalo.
Inaasahan ng mga opisyal na sa tulong ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at aktibong pakikilahok ng mamamayan, ang City Fiesta 2026 ay magiging isang matagumpay, makabuluhan, at di-malilimutang pagdiriwang para sa buong lungsod.








