SAN CARLOS CITY LIBRARY, PINALALAKAS ANG LITERACY PROGRAMS SA SELEBRASYON NG NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2025

Mas pinaigting ng San Carlos City Library ang mga programa nito sa maagang literacy sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2025 sa Barangay Lilimasan, San Carlos City, Pangasinan.

Nagdaos ito ng storytelling sessions, interactive activities, at malikhaing workshops para sa mga daycare learners mula sa District 3.

Bahagi rin ng selebrasyon ang pamamahagi ng libreng reading at learning materials upang matiyak na mas maraming batang San Carleño ang nagkakaroon ng akses sa mga kagamitang pang-edukasyon.

Pinalawak ng aklatan ang programa upang maisama na rin ang lahat ng kindergarten learners sa lungsod bilang karagdagang benepisyaryo.

Patuloy namang binibigyang-prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon, lalo na sa paghubog ng matibay na pundasyon ng mga bata sa pag-aaral.

Facebook Comments