Monday, March 23, 2026

SAN CARLOS CITY, PINARANGALAN SA PANGASINAN POPULATION CONGRESS 2026

Pinarangalan ang San Carlos City sa ginanap na Pangasinan Population Congress 2026 dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga programang pang-populasyon.

Binigyang-pagkilala sa naturang pagtitipon ang City Population Office ng lungsod sa ginanap na aktibidad noong Marso 18 at 19 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center Gymnasium sa Lingayen, Pangasinan.

Kabilang ang tanggapan sa mga ginawaran ng “Gawad Pagkilala ng Pagpapaunlad ng Populasyon,” bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa paghahatid ng serbisyong may kinalaman sa population management at kaunlaran.

Sa ilalim ng temang “Ang puso at lakas ng makataong kaunlaran: Tapat na naglilingkod sa sambayanan,” tinalakay sa dalawang araw na programa ang iba’t ibang mahahalagang paksa para sa kapakanan ng mga mamamayan sa lalawigan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang parangal ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng lungsod na magbigay ng dekalidad na serbisyo at maisulong ang mas progresibong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments