Monday, April 6, 2026

SAN CARLOS CITY POLICE, SUMAILALIM SA INSPEKSYON NG PRO 1 SA KASAGSAGAN NG SEMANA SANTA

Sumailalim sa inspeksyon ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang San Carlos City Police Station noong kasagsagan ng Semana Santa bilang bahagi ng pagpapatupad ng Ligtas SUMVAC 2026.

Sa isinagawang pagbisita, sinuri ang kabuuang kahandaan ng istasyon, kabilang ang deployment at koordinasyon ng mga pulis, lalo na ang mga nakatalaga sa assistance desk na inaasahang tutugon sa mga pangangailangan ng publiko sa panahon ng bakasyon.

Sinuri rin ang takbo ng operasyon sa loob ng himpilan upang matiyak ang maagap na responde sa anumang insidente, kasabay ng pagtingin sa kalagayan sa trabaho at mga kagamitang magagamit ng mga tauhan.

Bilang bahagi ng pagpapalakas sa kahandaan, ipinamahagi sa mga pulis ang go bags na magagamit sa oras ng agarang pagresponde.

Ayon sa PRO 1, layon ng inspeksyon na matiyak na nananatiling handa at epektibo ang San Carlos City Police Station sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa gitna ng pagdagsa ng mga biyahero at deboto ngayong Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments