Nagpaalala ang San Carlos City Police sa publiko na magdoble-ingat ngayong papalapit ang holiday season sa pagsisimula ng buwan ng Disyembre.
Ayon kay San Carlos Police Chief, Deputy PMAJ Ramsey Ganaban, dapat maging mas maingat ang mga mamamayan lalo na sa mga matataong lugar.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng maayos na pagmamaneho at pagiging alerto ng mga motorista, dahil posibleng maging mas mabigat ang daloy ng trapiko sa panahon ng Kapaskuhan.
Inihahanda na rin ng pulisya ang kanilang operational plans para sa police visibility, checkpoints, at pagsasaayos ng trapiko.
Nakikipag-ugnayan na umano ang San Carlos Police Station sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa mga darating na aktibidad sa lungsod.
Facebook Comments






