
Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang suplay ng kuryente sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Abra Electric Cooperative.
Una nang naputol ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Abra dahil sa nasirang transmission lines dulot ng hagupit ng Super Typhoon Nando.
Ayon sa NGCP, nitong 1:00 PM ay nag-normalize na ang operasyon ng San Esteban-Bangued 69kV Line matapos makumpleto ang restoration activities ng kanilang line crew.
Nanatiling hindi available ang transmission lines ng mga sumusunod:
• Lal-lo–Sta. Ana 69kV Line
• Magapit–Camalaniugan 69kV Line
Customer affected: CAGELCO II (Cagayan Electric Cooperative II)
Bukod dito, naapektuhan din ang Tuguegarao–Magapit 69kV Line na siniserbisyuhan ng Cagayan Electric Cooperative.
Patuloy ang isinasagawang pagkukumpuni ng mga line crews ng NGCP sa mga linyang naapektuhan ng bagyo.









