Monday, February 16, 2026

San Esteban, Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang ilang bahagi ng Ilocos Sur kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig bandang alas-9:36.

Natunton ang episentro nito sa layong 49 kilometro timog-kanluran ng San Esteban, Ilocos Sur, na may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Instrumental Intensity III sa Vigan, Ilocos Sur.

Intensity II naman ang naitala sa Candon, Ilocos Sur; Santol; at Bontoc.

Samantala, Intensity I ang naitala sa Narvacan, Ilocos Sur at Aringay.

Wala namang inaasahang pinsala mula sa lindol, ngunit posibleng makaranas ng mga aftershock sa mga susunod na oras o araw.

Facebook Comments