SAN FABIAN POLICE, NAGSAGAWA NG INFORMATION DRIVE PARA SA MGA KABATAAN

Nagsagawa ng information and awareness activity ang San Fabian Municipal Police Station sa mga estudyante ng Mabilao National High School nitong Lunes bilang bahagi ng kanilang community engagement program.

Tinalakay sa aktibidad ang mga isyung may kinalaman sa kaligtasan at kaayusan sa komunidad, kabilang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng driver’s license, pagsunod sa traffic rules, at tamang safety protocols.

Kasama rin sa diskusyon ang usapin ng anti-bullying, kung saan hinimok ang mga estudyante na agad magsumbong sa mga awtoridad sa oras na makaranas o makasaksi ng naturang insidente.

Ayon sa pulisya, layunin ng aktibidad na mapataas ang kamalayan ng kabataan hinggil sa mga isyung pangkaligtasan at palakasin ang kanilang pakikilahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments