San Francisco, Quezon, niyanig ng 4.4 magnitude na lindol

Niyanig ng Magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Quezon.

Na-monitor ng PHIVOLCS ang lindol bandang alas-8:05 kaninang umaga.

Natunton ang sentro nito sa layong 20 kilometro Timog Kanluran ng San Francisco, Quezon.


May lalim itong .001 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang instrumental:
Intensity III: San Francisco at Mulanay, Quezon
Intensity II: Lucena
Intensity I: Gumaca

Ayon pa sa PHIVOLCS, ito ay aftershocks ng
5.2 na magnitude na lindol sa San Francisco ,Quezon noong December 25, 2020.

Facebook Comments