Isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Bayan ng San Jacinto sa loob ng labing-apat (14) araw simula ngayon, Setyembre 20 hanggang Oktubre 3, 2021.
Ang desisyon na ito ng lokal na pamahalaan ay dahil sa pagtaas ng mga kumpirmadong kaso at mga aktibong kaso ng COVID-19, kinakailangang makontrol ang pagkalat pa ng virus at higpitan pa lalo ang ipinapatupad na minimum health protocols sa bayan.
Layunin ng pagtaas ng quarantine status sa MECQ mula sa GCQ With Heightened Restrictions ay upang limitahan ang paggalaw ng mga hindi kabilang sa Authorized Persons Outside Residence o APOR at hindi na makapagtala ng mataas na kaso araw-araw.
Ipinaalala naman sa publiko na hindi ito LOCKDOWN gaya ng kumakalat na balita.
Papayagang lumabas at pumasok sa kani-kanilang mga barangay ang mga APOR, mga naghahanap buhay o nagtatrabaho at mga pinapahintulutang bumili ng pagkain, gamot at tubig na may Home Quarantine Pass na ibibigay ng inyong mga opisyal sa barangay.