San Juan City Cemetery, dinagsa na rin ng mga bumibisita ngayon bisperas ng Undas

Dinagsa ng mga dumadalaw ngayon araw ang San Juan City Cemetery para pasyalan ang kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa nakalap na datos ng Eastern San Juan City Police Personnel, umabot na sa bilang na isang libo mahigit ang bumisita sa San Juan Cemetery.

Dagdag nila, may mga mangilan-ngilan pa rin na sumubok na maglinis at magdala ng pintura ngunit kinumpiska rin nila ito gaya ng pintura na umabot ng 42 na piraso.


Mahigpit naman na ipinagbibilin ng San Juan City Police District na panatilhin ang pagsunod sa mga ipinag-uutos para sa kapayaan ng paggunita ng Undas ngayong taon.

Facebook Comments