San Juan City Government, inirekomenda ang pagbabago ng curfew hours sa lungsod para sa Simbang Gabi

63

Iminungkahi ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa Metro Manila Council (MMC) at sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabago ng curfew hours sa Metro Manila maging ang adjustment sa age restrictions ng mga maaaring makalabas sa kanilang mga bahay ngayong pandemya.

Batay sa rekomendasyon ni Zamora, mula alas-12:00 ng hating gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ay gawin itong alas-12 hatinggabi hanggang alas-3:00 ng madaling araw upang pahintulutan ang mga Filipino na dumalo sa Simbang Gabi at ipatupad ang mahigpit na physical distancing at iba pang mga precautionary measures at safety protocols.


Iminungkahi rin ng alkalde sa isinagawang MMC meeting kahapon ang pagbaba ng age restrictions sa mga maaaring makalabas sa kanilang tahanan mula 18-anyos sa 15-anyos hanggang 65-anyos.

Facebook Comments