San Juan City Government manghihimasok na sa usapin ng security ng Greenhills Shopping Center

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na simula ngayon ay pakikialaman na ng San Juan City Government ang paghawak sa seguridad ng Greenhills Shopping Center.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, hindi biro ang malagay sa peligro ang napakaraming buhay dahil lamang sa maling sistema ng pagpapalakadsa seguridadng dinarayong Shopping Center.

Matatandaan na isa sa ugar ng pangho-hostage ni Alchie Paray ang inihayag nitong kurapsyon ng mga opisyales ng Sascor Security Agency.


Ngayon araw ay nakatakdang makipagpulong si Mayor Zamora sa pamunuan ng Greenhills Shopping Center at may hawak na Security Agency.

Pagtiyak ni Zamora isang overhaul sa Security Protocol ang nais niyang ipatupad dito.

Giit ng alklade hindi aniya hahayaang muling maulit ang isang Hostage Crisis kayat aaksyon na rito ang City Government ng San Juan.

Facebook Comments