Nag-aproba ang San Juan City Council ng ordinansang magoobliga sa kanilang mga residente na magsuot ng facemask tuwing lalabas ng bahay.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ginawa nila ito upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Ang sinumang mahuhuling lalabag sa ipinasang ordinansa ay magmumulta ng ₱1000 para sa unang paglabag, ₱3000 para sa ikalawang paglabag at ₱5000 para sa third offense.
Giit ni Mayor Zamora, pagsusuot ng facemask at para sa kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19.
Facebook Comments