San Juan City Government, naghahanda na sa posibleng paglobo ng mga kaso ng COVID-19 patients

Inihaya ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na inaasahan na nilang lolobo pa ang kaso ng COVID-19 sa loob ng isa o dalawang linggo sa kanyang lungsod.

Kaya naman anya gumagawa na sila ng paraan para pag handaan ito.

Isa na dito ang pag talaga ng COVID-19 isolation room sa San Juan Medical Center na may 16 bed capacity na nitanawag nilang Charlie Ward.


Tinatapos na din ang pagtatayo ng special COVID-19 ward na mayroon naman itong 26 bed capacity na 15 nito ay para sa mga lalaki at 11 naman para sa mga babae kung saan dito ilalagay ang mga Persons Under Investigation (PUI).

Plano rin anya na gawing COVID-19 over flow building na 90 bed capacity ang isang paaralan ng San Juan City.

Pero pag lilinaw ng alkalde na ang mga Person Under Investigation (PUI) ay maaari rin mag self-quarantine sa kanilang mga bahay.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang disinfection ay sanitation sa lahat ng lugar ng nasabing lungsod.

Batay sa bagong tala ng Department of Health (DOH), ang San Juan City ay mayroon ng 42 na COVID-19 positive, 148 PUI at 86 PUM.

Facebook Comments