San Juan City Government, naglabas na rin ng Quarantine Pass para sa mga residente ngayong umiiral ang ECQ

Namahagi na rin ang San Juan City Government ng Quarantine Pass para sa mga residente nito.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora na 1 Quarantine Pass kada pamilya ang ibinahagi nila ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Gagamitin ito, para makalabas at bumili ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.


Mayroon itong logo ng lungsod at logo ng Barangay na pirmado ng Barangay Chairman.

Paliwanag ni Zamora, mahalaga ang Pass para malimitahan ang paggalaw ng tao sa  lungsod.

Nanawagan naman ang alkalde  sa mga residente ng San Juan City  na huwag abusuhin ang Quarantine Pass at gamitin lang ito kapag kailangan.

Facebook Comments