San Juan City Government, namahagi ng food packs sa mga residente ngayong araw

Tiniyak ng San Juan City Government na hindi nila pababayaan ang mga residente nilang walang makain ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pinangunahan mismo ni San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong araw, ang pamamahagi ng food packs kung saan ay nagbahay-bahay sila at unang nabenipisyuhan ang mga residente ng Barangay Corazon de Jesus, Batis at Salapan San Juan City.

Ito ay upang hindi na sila lumabas at pumila para makatanggap nito.


Sa pamamahagi ng food packs, inuna ang pinaka-nangangailangan ang mga arawan ang pasahod at hindi nakakapasok sa trabaho, mga “No Work, No Pay”, at mga mahihirap o indigent.

Paliwanag ng alkalde ang laman ng food pack ang mga bigas, delata, face mask at alchohol.

Dagdag pa ni Mayor Zamora, na magiging tuloy-tuloy ang kanilang paghahatid ng pagkain sa iba’t ibang mga Barangay hanggang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Pero nilinaw ng alkalde na wala umanong katiyakin sa araw at pesta ng pamamahagi dahil depende ito sa suplay ng pagkain lalo pa at nahihirapan din sila mamili.

Facebook Comments