San Juan City Mayor Francis Zamora, hindi inaalis na posibleng sinasabotahe ang nangyaring Wattah-Wattah Festival noong June 24

Nilinaw ni San Juan City Mayor Francis Zamora na open to sabotage o posibleng sinabotahe ang nangyaring Wattah-Wattah Festival noong June 24, 2024.

Ayon kay Mayor Zamora, bukas sa publiko ang naturang kapistahan kaya’t lahat ay maaaring makiisa sa naturang okasyon kaya’t hindi nito inaaalis na posibleng nasabotahe ang nangyaring pista.

Una rito, maraming mga nagreklamong mga nabiktima ng mga nanggulo at pwersahang nambasa ng tubig kahit nasa loob na ng sasakyan.


Tiniyak naman ni Zamora na personal niyang tutulungan ang mga complainant sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nanggulo sa Wattah-Wattah Festival.

Giit pa ng alkalde na titiyakin nila na ang mga positibong makikilala sa mga video ay kakasuhan ng paglabag sa ordinansa ng lungsod na nagre-regulate sa Wattah-Wattah Festival pati na rin sa paglabag sa revised penal code.

Kaugnay nito, ipinasa rin ni Mayor Zamora ang marching order kay Association of Barangay Captains President Councilor Herbert Chua para positibong tukuyin ang mga indibidwal na nasa likod ng mga video na sinira ang imahe at reputasyon ng San Juan City at ang pista ni St. John the Baptist.

Facebook Comments