San Juan City Mayor Zamora, muling hinikayat ang mga residente nito bunsod ng pagtaas ng active cases sa lungsod

Hinikayat ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga residente na magparehistro na upang mabigyan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Mayor Zamora, kailangan magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa naturang sakit lalo na’t tumataas na ang bilang ng kaso ng Delta variant lungsod ng Metro Manila.

Batay sa kanilang tala, aniya noong July 31 nasa 181 lang active cases sa lungsod subalit sa paglipas ng isang linggo noong Agosto 7, tumaas ito ng 328.


Dahil dito, pinaalalahanan niya ang mga residente ng lungsod na huwag muna lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Ngunit kung hindi maiiwasan panatilihing sumunod sa health and safety protocols laban sa COVID-19 na ipinapatupad ng lokal at nasyonal na pamahalaan upang maging ligtas laban sa banta ng naturang sakit.

Facebook Comments