San Juan City, nagsasagawa ng dalawang araw na COVID-19 vaccination process simulation

15

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang dalawang araw na COVID-19 vaccination process simulation bilang paghahanda na rin sa pagdating ng bakuna laban sa naturang virus.

Ayon kay Mayor Zamora, ang naturang hakbang ay upang makasanayan ng mga health workers at mga kawani ng City Hall ang kanilang trabaho at responsibilidad sakaling dumating na ang bakuna laban sa COVID-19.


Ang lungsod ay nag-order ng 100,000 doses ng AstraZeneca vaccine, para 50,000 residente, habang ang iba ay sasagutin na ng national government.

Facebook Comments